Shopping security
Mahaba at buhol-buhol ang mga nasa isip ni Ivan tungkol sa mga aspeto at kondisyong bumubuo sa Baguio—mga tao, mga lugar, mga relasyon at pamamaraan, mga pagsasalin at tumbasan, mga ideya at kagamitan. Tumatagos sa mga panahon at lunan ang pagtutuon niya ng pansin, mula sa sinaunang taal na kultura hanggang sa pinakabagong pagpapahayag ng kontemporanyong buhay. Makikita ito sa pag-uugat at pagbabalik-tanaw, o mabilis na pagdaong ng mga dumayong sanggunian. Madalas ay nasa punto ng pagkukumpara, di man tuwiran, na malaking bahagi ay bunsod ng pagiging nasa o taga-ibang lugar.
Mararamdaman sa mga salita ni Ivan ang puwersa ng paghahanap. Kita ang sigla ngunit rinig din ang pagod sa kaniyang mga pagpili at paghuhulma. Laging nauuwi ang pagpapalagay sa kahulugan, o sa maling-hulog na sinasadya kung minsan. Ang aklat na ito ay tungkol sa Baguio, ngunit ito rin ay tungkol sa kaniya at sa balisa at aligaga ng modernong pamumuhay.
—Janine Dimaranan
Kung magbasa, andaming footnotes bago magsimula. Inisip ko, kagaya ko pala ito na andaming binabasa bago sinusulat ang tula. Maraming vinavalidate na feelings and metaphors. So ininvite ko siya magsulat sa Baguio Chronicle. Noong una, mga critiques on Panagbenga, busking, Bookends and all those shet (favorite etc. niya). Malinis ang kaniyang mga unang essays. Diretsong Ingles.
Ito ang banta niya sa Baguio City Council on busking: “If at some point, it appeared impossible that the bureaucratic and private interests will be toppled by individuals banding around shared interests and demands, one only needs to look at history and present happenings. What appeared as natural will be exposed as constructed; and the public will be in charge of constructing a city, a way of life that is more in tune with their needs and wants.”
—Frank Cimatu
Ships within 48 hours · Estimated delivery Jun 26 - Jul 1
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order